Jenny! Kabanata: 2 “Katanongan ng Batang Paslit”

Jenny! Kabanata: 2 Katanongan

Nagsisigawan ang mga tao sa barangay nila Jenny. Parang may Pista, na ang mga Tao ay aktibong-aktibo. Tumambad ang napakalaking usok sa pananaw ni Jenny. Napasigaw na rin si Jenny sa nakita nito “May sunog, may sunog, Inay” malakas na ang apoy at ilang bahay nalang at makakain na ng apoy ang munting kubo nila ni Jenny. Papasok na sana si Jenny, sa eskinita nang kung saan nandoon ang bahay nila nang biglang sumigaw ang Nanay niya.  “Jenny, saan kaba galing bata ka?” Masusunog nalang ang bahay natin at puro lakwatsa ka parin! Binatokan ni Aling Maria, si Jenny sa ulo nito. Nay akala ko andon pa kayo sa loob ng bahay eh, kaya natakot ako! Matakot ka talaga, wika ni Marai sa kanya! Buti nalang lahat kayo andito na sa labas ng kalsada at ligtas kayo Nay! Tiningnan lang sya ni Aling Maria! Sinagot sya ng nakakatandang kapatid nito! Jenny saan kaba kasi galing? Nag-aalala kaya si Nanay sayo, kame. Talaga Ate? Niyakap ni Jenny si Aling Maria. Bitawan mo nga ako nakikita mo na ngang malapit nang lamonin nang apoy ang bahay natin nakukuha mo pang mag drama dyan.

Sa wakas humupa narin ang apoy. Salamat panghinoon ko at hinde mo dinamay ang bahay namin. Wika ni Maria! Mabuti nalang huminto na ang apoy. Wika nang isa sa kapatid ni Jenny! Kasi baka dito tayo sa kalsada matutulog, ang lamig pa naman. Laking tuwa nilang mag-anak sapagkat hinde nadali nang apoy ang munting kubo nilang bahay. Nasa kabilang bayan ang Tatay nila Jenny si Manong Carding, at kinabukasan pa nang gabi ang uwi. Kayat hinde pa alam ang nangyari sa kanilang barangay. Nang biglang may sumisigaw sa pangalan ni Aling Maria. Maria, Maria, buti nalang at ligtas ka, kayo nang mga Anak mo. Niyakap nang lalaking kasing tangkad ni Manong Carding si Aling Maria. Halos di kalayoan ang edad ng lalaki sa Tatay ni Jenny. Mabuti naman at nakarating ka, saan mo nalaman na may sunog dito samin? Tanong ni Aling Maria sa lalaking yumakap sa kanya. Narinig ko sa Radyo, habang nag papasada ako kaya sumaglit agad ako dito. Inay, sino po siya? Sagot nang makulit na si Jenny? Tumaas ang tono nang pananalita nang nakakatandang kapatid ni Jenny, at sinagot nang pahalang si Jenny. Sino pa edi kalaguyo lang naman ni Nanay! At nagpunta kapa dito ha? At lumakad na silang magkapatid pabalik sa kanilang bahay, habang nasa gilid pa nang kalsada si Aling Maria at ang lalaking yumakap sa kanya.

Ate, sino yon? Anong kalaguyo ka mo? Jenny, bata kapa di mo pa maiintindihan ang lahat. Ate bata ka pa rin naman ah, dies anyos ka pa lang at ako siyam. Halos mag kasing edad lang tayo Ate, kaya kung naiintindihan mo segurado akong maiintindihan ko rin, kung epapaliwanag mo nang maayos at dahan dahan. Jenny, kung dahan dahanin ko baka abotin tayo ng umaga kaya pakiramdaman mo na lang. Kasi kung hinde kana bata dapat alam mo na ang salitang kalaguyo. Sagot ni Carla sa kapatid na si Jenny. Mamaya pag dating ni Kuya galing trabaho itatanong ko sa kanya kung ano yang Kalaguyo! Wika ni Jenny. At itatanong ko rin kay Tatay bukas. Jenny’ wag na wag mong babanggitin to kay Tatay, kung ayaw mong sumakit ang dibdib ni Tatay, naintindihan mo ba Jenny?  Bakit naman sasakit ang dibdib ni Tatay sa itatanong ko sa kanya Ate Carla? Basta kung ayaw mong mag-away si Tatay at Nanay wala kang itatanong kay Tatay, at wala kang babanggitin don sa lalaki kanina. Mangako ka sakin? Bakit naman Ate? ang gulo mo! OO magulo talaga, magulo pag malaman ni Tatay, kaya wag mo nang banggitin, naintindihan mo? Sige Ate, hinde ko rin ba sasabihin kay Tatay na muntik nang makain nang apoy ang bahay natin? Iwan ko sayo Jenny, basta wag mong banggitin ang tungkol don sa lalaki at don sa Kalaguyo, kundi baka mag-away si Tatay at Nanay at iwanan nila tayo. Ayokong iwan nila tayo Ate, takot ako, kaya hinde ko na lang itatanong kay Tatay. Ngunit pwedi bang itatanong ko kay Kuya kasi bata pa naman si Kuya, hinde naman sasakit ang dibdib ni kuya diba Ate Carla?

Dati pa alam ni Carla at nang dalawa pa niyang nakaka tandang kapatid na may kalaguyo ang Nanay nila. Tatlong taon na ang nakaraan nang napansin nang kuya nila na may pumapasok sa bahay nila tuwing gabing si Mang Carding, ay nasa trabaho at pang gabi kung pumapasok. Akala nilang magkapatid ay tinapos na nang Nanay nila ang relasyon nito sa lalaking si Mang June, sapagkat halos dalawang taon ding hinde nila napansin na si Mang June at ang Nanay nila na nagkikita pa ito. Kaya minabuti nilang magkapatid na itago ito at wag nang ipaalam sa Tatay nila. Sapagkat takot silang mawasak ang kanilang pamilya! May mga haka haka din silang magkapatid na baka isa sa maliit nilang kapatid ay Anak ni Mang June, at hinde sa Tatay nila, ngunit hinde nila ito binigyan nang pansin. Hanggang nalaman nang Kuya ni Carla na nangibang bansa pala si Mang June, nag Saudi kaya halos dalawang taon ding hinde nila ito nakita. Pitong taon si Carla non nang napansin niyang pumasok si Mang June, sa bahay nila. Hinde nya ito alintana, ngunit pinagsabihan siya nang dalawa niyang nakakatandang kuya na wag nang ipaalam sa Tatay nila. Walang muwang si Carla non, kaya hinde niya binigyan nang pansin hanggang naintindihan ni Carla ang lahat tungkol sa Nanay nya at kay Mang June. Hanggang sa ngayon ngat nagtatanong na si Jenny, at ganon din ang sagot niya kay Jenny, tulad nang narinig nyang sagot sa dalawang kuya nito noon.

Nang gabing yon nag-abang si Carla, sa labas ng pintoan nang bahay nila sa Kuya niyang si Marvin na katorsi anyos. Upang ipaalam na nakita na naman niya si Mang June nong araw na yon. Kuya mabutit dumating kana! Carla, pagod ako. Ito may ulam akong dala alam kong kumain na kayo. Kung gusto mong kumain, kumain ka pero mag tera ka para bukas. Bat di kapa pala natutulog? Kuya inaabangan talaga kita kasi nakita ko si Mang June kanina, nagpunta sya dito nang mabalitaan niyang may sunog dito at muntik nang masunog tong bahay natin. Alam kong nagkasunog dito nangamba nga ako nang makita kong maraming tao sa labas natutulog. Patakbo na sana ako, nang makita ako ni Arman, sabe nya ok lang naman kayong lahat at hinde nadali ang bahay natin. Ano ka mo si June? Nakita mo, nagpunta dito? OO kuya niyakap niya si Nanay marami ngang nakakita sa labas eh, pero sabi ni Nanay kaibigan nya lang daw. Ngayon kuya hinde pa umuuwi si Nanay mula kaninang dumating si Mang June, baka nagsama sila, baka hinde na uuwi si Nanay Kuya. Wag mong isipin yon, uuwi yon bukas, hinde kana nasanay, wala si Tatay diba’ bukas pa nang gabi ang uwi, kaya nagpakasaya yon segurado. Walang konsensyang Ina, mga hayop. Nakauwi na pala ang June, na yon? Makikita nya ang gagawin ko sa kanya. Sasabihin ko to kay Kuya Marco, na nandito na sya at nang marisbakan natin. Kuya isa pang problima, nakita din siya ni Jenny, kanina at nagtatanong kung ano ang Kalaguyo. Diko sinagot kaya kay Tatay daw niya sasabihin! Ano at san naman nya narinig ang katagang yan? Wala naman tayong telebisyon ah? Kuya, nabigla kasi ako kanina nong nakita ko si Mang June, ngtanong si Jenny kay Nanay kung sino sya, kaya sinagot ko na sino pa edi kalaguyo nya! Ano kaba Carla, alam mo namang makulit at ma tanong si Jenny, bat dika nag-ingat! Pano pag malaman to ni Tatay, alam mo namang may sakit sa Puso si Tatay. Alam ko kuya, ngunit nabigla ako. Pero wag kang mag-alala nasabihan ko na si Jenny, hinde daw nya itatanong kay Tatay sayo nalang daw. Tulog naba si Jenny? Oo kuya. Bantayan mo si Jenny pag andito si Tatay, at ikaw nang bahala. Pano yong mga taong nakakita sa pagyakap ni Mang June kay Nanay kanina? Tanong ni Carla kay Marvin! Ako na bahala don. Kung sakaling magtanong si Tatay don, sabihin mong kaibigan lang, nakadaan lang, at nangangamusta narin, ngunit umalis din nang malamang hinde nadali ang bahay natin.  Sige na matulog kana, at aagahan ko pag-uwi bukas nang maunahan ko si Tatay dito. Ito nga pala pera bumili ka nang bigas bukas! Salamat kuya, wika ni Carla.

Kinabukasan alas singko nang umaga, dumating si Aling Maria. Ang aga pa Nay, bat umuwi kayo agad? Sana mamaya pa nang maka pag enjoy kayo nang Kalaguyo mo! Galit ang mukha ni Aling Maria, ngunit hinde nya pinansin ang maanghang na pananalita ni Marvin. Ano Nay, anong pasalubong sayo ni Love June mo? May tsokolate ba, perfume, o baka naman cash ang pasalubong sayo? Nasampal ni Aling Maria si Marvin. Ok lang Nay, magpakasaya kayo habang kaya pa naming magkapatid na itago ang pangbababoy mo sa Ama namin. Kung wala lang sanang sakit si Tatay, baka matagal ka nang pinalayas ni Tatay dito. Marvin, anak lang kita, wala kang karapatang bastosin ako. Sige ipaalam mo sa Tatay mo nang makalayas na ako sa impernong bulok na bahay na to. Pagod na pagod na ako sa buhay kong ito, hinde na ako masaya sa Tatay mo, sa inyo, mas nasisiyahan ako sa piling ni June. Kaya sige sabihin mo sa Tatay mo nang matapos na tong paghihirap ko.

Dumating na si Mang Carding, bitbit ang supot nang pagkain at kalahating sako nang bigas at iba pang grosery. Binigyan kame nang bunos nang boss namin. Nasiyahan sa trabaho ko kaya midyo malaki laki ang binigay sakin. May kasiyahan kagabe, don sa contruction na ginagawa namin. May natirang pagkain kaya dinala kona hinde pa yan sira kasi nilagay ko sa refrigerator sa construction. May lechon jan kaya Carla, cge initin mo na nang makakain na tayo at mga kapatid mo. Maria ito, may pasalubong ako sayo kasya seguro to sayo oh sukatin mo. Daster ang pasalubong ni Mang Carding sa Asawa niya. At itong bunos ko nga pala ikaw na bahala mag kasya. Sa susunod na lingo may sahod pa akong matatanggap kaya may pang noche buena tayo sa pasko. Hinde kumibo si Aling Maria, pumasok sya sa kuwarto at sinukat ang daster. Tay’ Tay sigaw ni Jenny. Ohh Jenny kamosta ang makulit kong Jenny? Ok lang Tay, may pasalubong ako sayo ito ohh. Wow galing ahhh’ saan mo naman to nakuha ha? Tay’ nakita ko sa kalsada kahapon nang magkasunog dito. OO nga buti nalang ligtas kayo, wala talaga akong alam hanggang makasabayan ko sa Jeep si Paring Ray, sabi nya nasunogan dito. Palagi ka kasing wala kaya wala kang alam, at huli na sa balita! Sagot ni Aling Maria. Ngunit nag papasalamat ako sa dyos na ligtas kayo at tong bahay natin. Marvin, kamosta ang trabaho mo? Mabuti naman Tay, mabait po yong amo ko at hinde naman mabigat ang trabaho ko sa bahay nila Doctor.Ong. Mabuti naman kong ganon, pag iigihan mo nang mabuti, kasi sabi ni Doctor.Ong papaaralin ka daw nya sa susunod na taon. Kahiya naman Tay, Grade 6, ako tapos edad ko non mag kinse sa susunod na taon. Sagot ni Marvin! Baka wag nalang Tay’ pangsahod ko nalang yon, nang makatulong ako sayo. Kuya Marvin, ituloy mo yon, mabuti nga yon Grade 6 tapos kana. Eh ako ngasiyam mag grade 2 palang. OO nga anak Marvin, tuloy mo habang andiyan ang pagkakataon. Sige Tay’ pag-iisipan ko, wika ni Marvin.

Makalipas ang isang lingo nang madaanan ni Mang Carding ang kaibigan niyang sila Ray, Darwin, at Garry sa tindahan ni Aling Helin nang tinawag siya nito. Paring Carding, daan ka muna dito inuman tayo kunti lang, sigaw ni paring Ray. Naku pare trabaho pa ako bukas eh, saka ito haponan dala ko sa pamilya ko. Naku pare ipapadala nalang natin yan sa mga bata dito bigyan natin Piso. Dito kana kaarawan ko ngayon eh, inuman muna tayo. Tay’Tay. Oh, Carlo, bata ka gabe na bat dito ka pa sa labas? Ang Anak ni Mang Carding kasunod ni Jenny si Carlo na Otso anyos. Tay’ naglalaro kasi kame pauwi na ako wika ni Carlo. O sige dalhin mo to sa bahay ulam, sabihin mo kay Nanay mo dito muna ako at uuwi ako pagkatapos nang kalahating oras ok! Opo Tay. Kumain na kayo at wag na akong tirhan. Opo Tay. Tumakbo si Carlo pauwi nang bahay.

Habang nag-iinoman natanong ni paring Darwin na nakita daw nya si Maring Maria nong nakaraang lingo lumabas sa maliit na motel mag-isa ngunit hinde sya sigurado kung sya ba yon. Hinde siguro pare, ano naman gagawin ni Maria don? Eh nasa bahay lang naman yon, at tulog pa yon! Siguro nga namilik mata lang ako nong umaga kasi papunta ako sa trabaho ko maaga kasi ang pasok ko non tapos nagmamadali ako kasi halos dalawang oras ang biyahe ko patungo sa trabaho. Eh paring Darwin ano naman ginagawa mo sa labas nang motel bat ka andoon? Baka magkikita sila ni mare don pare tawanan silang lahat. Gago, don ang sakayan ko ng jepp patungo sa bago kong trabaho’ wika ni Darwin.

Umuwi si Carding, at nag lambing ito kay Maria! Ano ba Carding, labing tatlo na mga Anak natin ayaw ko nang dagdagan, at baka gumuho natong bahay natin. Kulang na nga sa pagkain at ang mapaaral sila ay putol-putol pa! Maria, lambing lang naman ah, ilang lingo naring hinde mo ako pinatikim. Carding, matulog kana at maaga pa pasok mo bukas, at wala akong gana sa tikim tikim nayan. Na kakatawa si paring Darwin, sabi nya nakita kadaw nyang lumabas sa Motel nong nakaraang lingo madaling umaga daw! Namutla bigla si Aling Maria at tumalikod nang hinde mapansin ni Mang Carding ang mukha nito. Ngunit sabi ni pare namilik mata lang seguro sya, imposibli namang ikaw yon, baka kahawig mo lang. Sabi ko hinde ikaw yon ano naman gagawin mo don. Hinde talaga ako yon, masarap pa tulog ko non dito sa bahay. Sagot agad ni Maria! Humiga na si Mang Carding, sa hapag nang dama parin ni Maria ang kaba sa dib-dib.

Sundan ang susunod na Kabanata sa susunod na lingo.:)

 

Jenny! Kabanata:1

Ito ang kuwinto ng buhay ni Jenny. Kaibigan baka kilala mo siya, o baka naman ikaw ito!

Pinanganak si Jenny, sa lugar ng kung saan ang kadalasang mga taong nakatira nito ay nag mula sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas. Namulat si Jenny, sa mundo ng Squatter, na kung saan ang naninirahan dito ay walang karapatang magtayo ng kanikanilang bahay sapagkat wala itong pinanghahawakang papel na sila ang may ari ng lupang kinatayoan ng bubong nila. Sapagkat sa kabila ng bakanting lupang ito sa mahabang panahon, ang tunay na nag mamay-ari ay babalik, at ang mga taong nagsipag tayo ng bahay ng kanyang lupain ay walang magagawa kundi ang gibain ito nang walang pasubali. Lumaking salat sa kabuhayan si Jenny, na syang isa sa libo-libong probelema ng karamihang populasyon nang Pilipinas ang “kahirapan.”

Mula bata pa lamang si Jenny, ay kinamulatan na nya ang  kakulangan ng atensyon mula sa sariling mga magulang nito. Hinde rin naman ito binigyan nang pansin ni Jenny, sapagkat ika nga halos lahat silang magkapatid ay napag kaitan din ng atensyon ng kanilang mga magulang. Labing tatlo lang naman silang magkapatid, apat ang babae, at siyam ang lalaki. Si Jenny, ang pang anim sa kanilang magkakapatid. Lumaki si Jenny, na ang Nanay niya ay ginagampanan ang pagiging Asawa nito. Sa tuwing si Tatay niya ay pumapanhik sa trabaho sa umaga, si Nanay naman ay pumapanhik sa paglalaba ng kanilang mga labahin sa bahay, habang ang nakatatandang kapatid niya ay tumutulong sa pag-lilinis ng bahay.

Kunti lang ang sahod ni Tatay, kaya maaga ding nag sipag banat ng buto ang mga nakakatandang kapatid ni Jenny, at ang tatlo niyang nakakatandang kapatid ay maagang sumabak sa pag-aasawa nang hinde man lang natapos ang Elementarya. Paputol putol ang pag-aaral nilang magkakapatid, kahit na nasa publikong paaralan sila pumapasok ay kinakapos parin ang mga magulang nito.

Sa kabila ng kahirapan nagagawa parin ni Jenny, ang magpakasayat maglaro bilang batang paslit. Natatapos ang araw ni Jenny, sa pag titinda ng supot sa palengki, at kunting laro sa mga kapatid niyat kaibigan. Ang kalahating perang kinikita ni Jenny, ay binibigay nya sa kanyang Nanay, at ang kalahati ay binibili nya ng tinapay para pagsaluhan nilang magkapatid, o sa kanyang mga kaibigan. Anim na taon si Jenny, nang sumama sya sa kaibigan niyang paslit din na mag tinda ng supot sa palengki, kaya halos ang nagtitinda sa palenki ay naging kaibigan na rin ng batang si Jenny.

Isang hapon naglalakad pauwi si Jenny, patungo sa kanilang bahay bit-bit ang supot ng adidas ng manok na bigay ni Aling Carmen sa kanya sapagkat, tinulongan sya ni Jenny sa palengki. Malayo pa lamang ay naririneg na ni Jenny, ang lakas ng boses ng kanyang Nanay, kasigawan ang Tatay nito. Hinde na bago kay Jenny, ang ganitong eksina sapagkat lage namang nagtatalo ang kanyang mga magulang lalong lalo nat tuwing sahod ng Tatay nito. Sapagkat wika ni Nanay, na kulang ang kakarampot na sahod ni Tatay. Pumanhik si Jenny, sa bahay at inabot niya ang supot ng adidas nang manok sa kanyang Ate, upang makapag luto na. Habang kumakain silang magkakapatid ay panay parin ang pagtatalo nang kanyang mga magulang. Pumanhik si Jenny, sa kuwarto ng kanyang mga magulang, at nag wikang “Nay, Tay kakain pa po ba kayo nang haponan kasi gusto pang kumain ni Totoy at Dodong?” Nagalit ang Nanay ni Jenny, at hinampas sya ng libro nito sabay wikang “Isa kapa Jenny, wala kang kwentang bata, umuuwi kalang tuwing kakain na, katulad ka nang Ama mong walang kwenta.” Umiyak si Jenny, tumakbo papalayo habang di sinasadyang natabig nya ang larawan ng Nanay at Tatay niya na naka frame pa at nabasag ito kaya pinalo siya ng Nanay nya.

Abangan ang susunod na kabanata sa Martis.